Martin Diño Pumanaw na!


Dating undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Martin Diño Pumanaw na.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Liza Diño-Esguerra nitong Martes.

 
Pumanaw si Diño nitong alas-2:15 ng madaling-araw matapos ang pakikipaglaban sa stage 4 cancer.


“Martin Diño was not only a dedicated public servant but also a loving husband, father, brother, and friend. His unwavering commitment to his responsibilities, his tireless work ethic, and his passion for service defined his life’s journey,” wika sa Facebook post ni Liza.

Naging DILG undersecretary for baranggay affairs si Diño sa nagdaang administrasyon.

Bago ito ay naging chairman din siya ng Violence Against Crime and Corruption (VACC).

No comments