Whamos Cruz, niregaluhan ng bagong 'Kotse' ang kanyang biyenan!


Whamos Cruz, niregaluhan ang biyenan ng bagong kotse, pasasalamat sa pag-alaga sa kaniyang anak.

Sinorpresa ng social media influencer na si Whamos Cruz ang kaniyang biyenan ng bagong kotse.


Matapos regaluhan ni Whamos ang kaniyang ina ng bagong motor upang may magamit ito sa pamamasyal, binigyan naman niya ngayon ang ina ni Antonette ng bagong kotse, bilang bayad at pasasalamat dahil sa pagpupuyat nito sa pag aalaga at pagbabantay kay Baby Meteor.

"Sure na sure kami na masaya si Mommy sa surprise namin," saad ni Whamos.


"Wala ka pang birthday ah pero ayan na best gift namin," ani naman niya sa kaniyang biyenan.

Hindi naman makapaniwala ang ina ni Antonette Gail sa natanggap na regalo mula sa manugang.

Komento naman ng mga netizen ay napaka swerte raw ng ina ni Antonette dahil lahat ay ibinibigay ni Whamos at napakabait pang anak at manugang.

Makikita ang buong video sa kanilang official Facebook account.

No comments