Watch! Antonette Gail nanganak na! Whamos hindi mapigilan ang Saya!


Masayang ibinalita ni Whamos Cruz sa kanilang social media na nanganak na ang kaniyang partner na si Antonette Gail.

Pinangalanan nila itong Baby Meteor.




Ipinanganak si Baby Meteor nitong Martes, January 24, 2023 dakong alas 6:00 ng gabi.

Ibinahagi rin ni Whamos sa pamamagitan ng video ang mga pinagdaanang hirap ng kaniyang partner sa panganganak.



Humahagulgol ito habang umiire ngunit napalitan agad ito ng saya ng lumabas na ang kanilang panganay.



Ayon sa kanya ay posible raw matubuhan sa likod si Antonette.

“Actually, 9cm na siya so isa nalang hinihintay para ma-push na kasi kapagka-ano puwede siyang tubuhan sa likod, tube kung tawagin pero sabi ko ‘ayoko’, kailangan tiisin niya, so lintik ‘yung kaba ko ngayon,” ayon kay Whamos.



Kamakailan lamang ay nagpaalala si Whamos Cruz na huwag basta basta maniniwala sa mga maling ibinabalita ng mga Facebook pages na nagsasabing nanganak na raw si Antonette Gail, hangga't hindi daw sila ang opisyal na nag post sa kanilang mga social media accounts.



"Wag kayong maniniwala sa mga fake news na nanganak na si Antonette hangga't hindi ninyo nakikita sa Facebook namin," ayon kay Whamos.



Ayon pa sa kanya ay nagmana raw kay Antonette ang kanilang anak at sobrang kinagiliwan ito ng mga kasama nila sa hospital.


Nagbahagi na rin si Antonette ng kaniyang naging karanasan sa panganganak sa kaniyang Facebook account.




Congratulations Whamos at Antonette !! Welcome to the world Baby Meteor.

Mapapanood ang kanilang full video vlog sa Facebook account ni Whamos Cruz at Antonette.


SA WAKAS NANGANAK NA C ANTONETTE #WHAMOSCRUZ


No comments