Pinakaasam-Asam na Magandang Pilikmata, Muntik Nang Ikapahamak ng Isang Dalaga!



Uso na ngayon ang magpa-enhance ng mukha, magpadagdag ng kuko, buhok at pilikmata, magpatattoo ng kilay at kung anu-ano pa. Marami sa mga kababaihan ngayon ang gustong pagandahin ang kanilang mga mukha ngunit kung minsan ay hindi rin nagiging maganda ang resulta at minsan ay nagiging dahilan pa ito sa kapahamakan.



Isang beautician na nagngangalang AC Bundalian ang nagbahagi ng larawan ng mata ng isang dalaga. Ayon kay AC, nagpalagay ng extension ang dalaga ng pilikmata ngunit sa hindi inaasahan ay namaga ang mga mata nito dahil sa sobrang tigas at madaming naapply na glue.

"Sobrang tigas, over sa glue. Medyo namamaga na eyes ni maam"

Nagbigay din ng paalala si AC sa mga kapwa niya lash tech na kung walang kaalaman sa paglalagay at pagtanggal ay huwag na itong gawin dahil baka matulad ang ibang kliyente sa nangyari sa dalaga.




"Reminder!! Wag na wag po kayong magpapalashes kung yung lash tech nyo walang tamang kaalaman sa paglalagay at pag reremove."

Sinabi din niya na ayusin sana ng mga lash tech ang kanilang trabaho.




"Maawa naman po kayo, hindi yung babarubalin nyo yung gawa basta kumita lang kayo. Walang natirang lashes kay maam sa left eye nya."

"Ps. Hindi ko po gawa yan mga sis."

No comments