Jessy Mendiola nanganak na! Silipin...


Isinilang na ng actress na si Jessy Mendiola ang kanilang first baby ni Luis Manzano.

Sa wakas ay kinumpirma na ni Jessy Mendiola na isinilang na niya ang baby girl nila ni Luis Manzano!

Sa Instagram post ni Jessy, makikita ang kamay at parte ng ulo kanyang baby.

“I never knew I could love like this,” sey ni Jessy.

Bukod pa diyan, pinaalam na rin ni Jessy sa madla ang pangalan ng kanilang firstborn ni Luis.

“My little Rosie. Isabella Rose Tawile Manzano,” bunyag ng aktres.

“I never knew I could love like this. My little Rosie. Isabella Rose Tawile Manzano,” saad nito sa caption.



Makikita naman sa larawan na labis ang tuwa at galak ni Luis habang hawak nito ang kanilang unang baby.

Nag-comment naman si Luis sa baby reveal post ng kanyang misis.

“Hi mama!!” excited na pakli ni Luis.


Sa post din ni Luis ay makikitang buhat-buhat ng aktor ang kanilang anak ni Jessy.

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa celebrity couple, ilan diyan ay sina Iza Calzado na nagdadalang tao rin, Derek Ramsay, Mariel Padilla at Anne Curtis. (RP)

No comments