Ina na 72 Anyos, Hinahanap ang Anak na 50 taon ng hindi Nakikita



Isang ina ang nagbabaka-sakali na matagpuan at makita ang kanyang anak na matagal nang nawalay sa kanya matapos itong kunin ng kanyang asawa at ibinigay sa iba.

Ipinakita sa post ng ina na si Violeta David 72 taong gulang ang larawan at birth certificate ng kanyang anak at kanyang larawan upang matagpuan ang kanyang anak na si Arlene.


Ayon kay Violeta, kinuha si Arlene ng kanyang ama at hindi niya alam kung sa ito binigay. Natagpuan niya ang dalawang lalaking nakakatanda dito at si Arlene na lamang ang hindi pa.


Nais ni Nanay Violeta na makita ang kanyang anak bago siya mawala dito sa mundong ibabaw dahil siya ay matanda na, Nais niyang iparamdam sa kanyang anak ang pagmamahal ng isang ina at makilala ang pamilya nito.

Humihingi ng tulong si Nanay Violeta na makita ang kanyang anak dahil 50 taon na niya itong hinahanap.

No comments