Andrew emosyonal sa unang New Year na wala na ang fiancee na si Jho Rovero!



Labis ang kalungkutan ni Andrew "Happy new year my love…every new year, after midnight,remember?Lagi lagi tayo nag wa-wine together…pag ang lahat ay tahimik at nag uuwian na, it’s our own personal time, we talk and laugh about everything," bungad ni Andrew na laging may kalakip na crying at sad emoji.



 "Kahit madalas wala nang kwenta yung mga storya ko, pinipilit mo parin makinig. you were always there my dear, to offer your ears to me," dagdag pa ni Andrew.


Subalit ngayong wala na si Jho, tila patuloy pa rin niyang ginawa ang personal time nilang dalawa subalit larawan na lamang ng kanyang nakakausap. "Well, I’m still hre my love…the only difference this time is ako nalang mag-isa. Ang hirap pala mami magsalita ng wala kang kausap. Hindi sumasagot ung picture mo, ang daya daya niya"

 

Isa rin sa mga napansin ng netizens, kuha umano ito sa kwartong inilaan ni Andrew para sa pagpapagaling sana ni Jho sa kanilang tahanan. Subalit ilang araw lang mula nang maiuwi nila ito noong Oktubre, kinailangan muling ibalik ito sa ospital kung saan siya nalagak ng mahigit isang buwan hanggang sa tuluyan nang bawian ng buhay.

No comments