"Akala mo ikaw mag-papadede sa bata." Luis Manzano sa mga Netizen na Kumukwestiyon sa di pagpapakita ng Mukha ng Anak



Luis Manzano, pinalagan ang mga nagkokomentong mga netizen na kumukwestiyon sa desisyon nila ni Jessy Mendiola na wag na muna umanong ipakita ang mukha ng kanilang anak na si Isabella Rose dahil sa mga post nila ay tinatakpan nila ang mukha nito.

Sa instagram post ni Luis, ilang netizen ang nagkomento tungkol sa hindi pagpapakita ng mukha ng anak niya na si Isabella Rose dahil di naman daw umano nila nanakawin ito at kinumpara pa ang mag-asawa kila Iya at Drew Arellano dahil wala umanong arte ang mag-asawang ito.


Nauna namang sinabi ni Vilma Santos na ipapakita din ng mag-asawang Luis at Jessy ang mukha kaniyang apo sa tamang panahon.

Ito naman ang palabang sagot ni Luis sa mga netizen na nagkokomento tungkol sa mikha ng kanyang anak. "Akala mo ikaw mag-papadede sa bata."


Matatandaang nanganak si Jessy Mandiola at pinost nila ang ilang kuha sa mag-ama ngunit nakatakip ang mukha ng baby kaya maraming netizen ang antriga dito.

No comments