Dahil sa Gutom | Lola, hinuli dahil sa Pagnanak@w sa isang Convenience Store!
Isang lola ang arestado dahil nagnakaw umano ng delata, pabango at tsokolate sa isang convenience store dahil sa kumakalam na sikmura dahil sa gutom.
Dinampot ang isang 60 taong gulang na babae matapos magnakaw ng mga pagkain at body spray sa isang convenience store sa Salcedo Village, Brgy. Bel Air, sa lungsod ng Makati nitong Miyerkoles ng hapon.
Hindi pa raw nababayaran ng senior citizen ang kaniyang mga kinuha nang bigla itong umalis sa tindahan, base sa kuha ng CCTV camera.
Narekober sa lola ang 14 piraso ng tsokolate, limang delata ng imported luncheon meat, at tatlong bote ng pabango na aabot sa halagang P2,577.
Umamin naman ang salarin na nagnakaw talaga siya dulot ng matinding kahirapan at pangangalam ng sikmura.
Nakapiit ngayon ang senior citizen na sasampahan ng kasong theft o shoplifting.
No comments