Rocco Nacino Ipinasilip Ang Kaniyang Bagong Silang Na Anak



Ibinahagi ng aktor na si Rocco Nacino sa kaniyang mga social media account, ang mga cute na cute na larawan ng kanilang bagong silang na sanggol na lalaki, mula sa kaniyang asawa na si Melissa Gohing.

Isang bouncing at healthy baby boy ang ipinanganak ni Melissa Gohing nitong Linggo, October 9, 2022.


Pinangalanan nila ito na Ezren Rafaello Gohing Nacino, Baby "EZ" ang kanilang ibinigay na nickname, sa kwento ng aktor ay hindi nila inaasahan na manganganak na ang kaniyang asawa, dahil papunta lang sana sila sa isang family gathering, na emergency cs ang kaniyang asawa dahil dilaw ang lumabas na discharge nito, na indikasyon daw na naka dumi na ang baby sa loob.


Gusto sana nilang lumabas si Baby Raffaello ng Oktubre 10.


Ngayon ay nagpapahinga at nagpapalakas na ang kaniyang mag ina habang siya ang nag aasikaso sa mga ito. Napahanga at saludo si rocco sa mga nanay lalo na ang mga cesarean. Pagod at puyat ang nararamdaman niya ngunit makita lamang niya ang kaniyang anak ay masayang masaya na siya at agad nawawala ang kaniyang pagod.


ayon pa kay Rocco ay isa na silang ganap na pamilya.


''Now we are a Family. Ezren "EZ" Raffaello Gohing Nacino Oct 9, 2022. Now life if more meaningful with you in our lives, our son. Welcome to the world!'' - caption post ni Rocco sa mga inupload niyang larawan kasama ang anak.


Congratulations Rocco and Melissa !

Ikinasal sina Melissa Gohing at Rocco Nacino noong Enero ng nakaraang taon. Inanunsyo rin nila ang pagbubuntis ni Melissa nito namang Mayo.

No comments