Lolit Solis, Humihingi Na Ng Sorry Kay Bea Alonzo !


Manay Lolit Solis, humingi na ng paumanhin sa artistang si Bea Alonzo, matapos na sunod sunod niyang post at pang babash sa aktres, aminado naman ang kolumnista sa mga nagawa niyang kasalanan dito.

Inamin din ni Lolit na "OA" ang ginawa niyang mga pagbabatikos laban kay Bea, na nag-ugat na aniya sa mga pamba-bash sa kanya ng mga fans ng Kapuso actress.


Sinabi rin nito na ikinalulungkot niya ang pagdamay ng manager ni Bea na si Shirley Kuan sa mga taong malalapit sa kanya tulad nina Salve at Gorgy.

Narito ang post ni Lolit Solis sa kaniyang Insta.



'I AM VERY SORRY'

Lolit Solis nag sorry na sa aktres na si Bea Alonzo. Aminado na sunod sunod ang kanyang mga pagsulat at pagbash sa aktres, sinabi rin nya na fanatic sya ng Bea at John Lloyd loveteam.

"Pero isang bagay na masasabi ko Salve at Gorgy, mas nalungkot ako sa pagdamay ni Shirley Kuan sa inyong dalawa. Overboard na para bang dahil malapit kayo sa akin, dapat kayong idamay ni Shirley Kuan. Nagsimula sa akin, dapat sa akin din magtapos.

"Aminado ako na dahil lang sa pagpatol sa mga bashing ng fans kaya naging sunod sunod ang kagagahan sinulat ko kay Bea Alonzo. For that, I Am Very Sorry. Naisip ko na ang tinamaan si Bea Alonzo na puwedeng nasaktan dahil sa mga nasabi at nasulat ko. At dahil Mahusay at Matalino ang kanyang manager na si Shirley Kuan, ipinag tanggol niya ang kanyang alaga. At pinaka magandang ginawa niya, ipa cancel ako sa presscon ng Beautiderm.

"At ang the height, isali sa cancellation sila Salve at Gorgy. Brilliant idea, very intelligent move from a very successful number 1 manager , Shirley Kuan. Now, the rest is history. Ako na ngayon ang bully. Ako na ngayon ang may sala. To think na favorite loveteam ko ang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. To think na para sa akin isa si Bea sa may pinaka magandang mukha sa showbiz. Me and my crooked sense of humor na hindi makuha ng lahat.


"Sa mga nakikisali sa issue, wala akong galit kay Bea Alonzo. Kung nasaktan siya, at ang mga nagmamahal sa kanya, I Am Very SORRY. Ako lang ang may kasalanan, huwag na ninyo isali sila Salve at Gorgy. At please, tigilan na ninyo ang pagiging plastic, sa buhay, dapat nasa kanan, o kaliwa ka lang. Iyon mga nasa gitna, umiiwas lang dahil mga duwag sila na ayaw madamay. Basta ako, alam ko aminin kung tama o mali ako. Hindi ako naging plastic kahit kailan. Bongga #classiclolita", Manay Lolit






No comments