Kalabaw, Isinilang na may 8 Paa at 4 na Tenga sa Alamada, Cotabato



Pinagkaguluhan ang isang kakaibang kalabaw sa Barangay Bao, Alamada, Cotabato City, at sa social media, dahil sa naging kakaibang itsura nito, ang kalabaw na kakasilang lamang ay mayroong 8 paa at 4 na tenga.

Inaakala ng may ari ng kalabaw na kambal ang magiging anak nito dahil nahihirapan itong iluwal ang kaniyang anak.


Ibinahagi sa isang post ni Rhuff Lucino ang naging itsura ng batang kalabaw, ang nailuwal na batang kalabaw ay isa palang conjoined twins o dalawang bahagi ng katawan ang magkadikit at premature ang pagka develop ng katawan ng iba pang bahagi nito.


Sa kasamaang palad ay namat@y ang nailuwal na batang kalabaw at ang inahing kalabaw dahil sa hirap nito sa panganganak.

''Sa barangay bao naay nanganak kabaw isa ulo upat dalongan walo ka teel''

''Mao ni kabaw sa bao nanganak esa ulo 8 kateil upatka dalongan''

''Ito ang isang 73 anyos nanag alaga nang kalabaw ay nag ka anak ng isang ulo apat na tainga walong paa''


Sari sari ang naging reaksyon ng mga netizen. Madami ang nagsasabi na swerte raw ito.


No comments