PANOORIN! Mariano G, Nag-Propose na kay Cindy matapos Ibahagi ang kanilang Engagement Video


Nagpropose na si Mariano G sa kanyang girlfriend na si Cinderella Salilican o mas kilalang 'Cindy" sa gitna ng kanilang shoot interview sa programang Good News. Agad din namang tinanggap ni Cindy ang proposal ni Mariano.

Inulan ng maraming pagbati ang dalawa galing sa kanilang mga supporters at mahal sa buhay. Lubos din nagpapasalamat si Cindy kay Mariano dahil nakatapagpo siya ng lalaking kaya siyang ipaglaban at mahalin. Nangako din ito na hindi iiwan si Mariano.


Matatandaan na si Mariano ay naging sikat dahil sa galing nito sa pagkanta, si Cindy naman ay isang freelance model. Nagkakilala ang dalawa dahil sa isang duet video ng dalaga kay Mariano. Maraming napagdaanang pagsubok ang dalawa, dahil si Mariano ay mayroong mga ka Love Team na dahilan din ng kanyang kasikatan.Dahil nakikita niya na nasasaktan na ang kanyang nobya ay agad na siyang kumalas sa kanyang ka Love Team at agency, pinili na niya si Cindy.


Ngayon ay tuloy tuloy ang pagpapasaya ni Mariano sa kanyang mga fans kasama si Cindy sa kanilang mga vlogs.

No comments