Mga Pabayang Ama Hahabulin Ng PAO at DSWD | DSWD at PAO Nag Sanib Pwersa

Nagtulungan at nagsanib pwersa ang dalawang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement na kanilang pinirmahan nito lamang Martes, September 27, 2022.

Ang DSWD (Department of Social Welfare and Development ) at ang PAO (Public Attorney’s Office) ay nagsanib pwersa laban sa mga ama na magpapabaya sa kanilang anak, hahabulin nila at papanagutin ang mga ito, upang makapagbigay sila ng suporta o sustento na para sa lahat ng kailangan ng mga bata.



Pumirma na ng kasunduan sina Erwin Tulfo, Secretary ng DSWD at Atty Persida Rueda-Acosta, ang Chief ng PAO, para matulungan ang mga batang inaabandona ng kanilang mga ama, pati na rin ang mga solo parents, upang tuloy tuloy pa ang pagbibigay ng tamang suporta para sa kanilang mga anak.


“This is a good development that PAO and DSWD have joined forces to help mothers, especially the solo parents, to get support particularly on financial aspects from the fathers of their children,” ani Acosta.

Sinisigurado ni Atty Acosta at Sec. Erwin Tulfo na mapapatawan ng parusa ang mg padre de pamilya na hindi susunod o hindi magsusuporta sa mga iniwan nilang anak.


“They will surely face criminal charges for abandoning their children, but the mothers or the solo parents must come forward to file the appropriate case,” dagdag pa niya.

Ipinapaalala ni Atty. Acosta para sa lahat na mayroong batas na magpaparusa sa mga ama na mapapatunayang nagpabaya sa kanilang anak sa ilalim ng Republic Act 9262 o An Act Defining the Violence against Women and Children and Providing Protective Support for the Victims.

“You produce children, then you refuse to give support. What’s that? Even if you plant a plant, you have to nurture it,” pahayag ni Acosta.

Kapag mayroong lumapit na ina ang nagrereklamo sa hindi nagsusustento na ama, ay susulatan muna ang ama upang magbigay ng warning, kapag hindi pa rin nagbibigay, saka na ito sasampahan ng kaso ng Pao.


Parusang pagkabilanggo mula 1 taon hanggang 20 taon at may penalty na aabot sa P100,000 hanggang P300,000 libong piso.


Ayon pa kay Atty. Acosta ay bilang na ang mga araw ng mga ama na ayaw sustentuhan ang kanilang mga anak sa kanilang ex-wife, girlfriend na naanakan o mga dati nilang kinakasama.

Kabahan na ang mga ama na hindi nagsusustento sa kanilang mga anak.

No comments