Mga Nakumpiskang Tambutso Ginawang ''PAROL'' !!
Ibinida ng local government ng Angono, Rizal, ang tinaguriang "Art Capital the Philippines", ang kanilang kakaiba at malaking parol na gawa sa mga tambutso.
Ibinahagi ni Mayor Jeri Mae Calderon sa kanyang Facebook post ang litrato ng kanilang malaking Parol na gawa sa mga open pipe muffler, na nakumpiska sa mga motorcycle rider na lumabag sa kanilang ordinansa kontra open muffler.
Proyekto raw ito ng kanilang PSO, na pinangunahan ng kanilang konsehal na si Kuya Bryan Villamatin Cruz. Hindi pa nga raw ito tapos dahil papagandahin at mas aayusin pa raw nila ito, lalagyan rin nila ito ng mga makukulay na pailaw.
May hamon naman ang Mayor ng Angono sa mga pasaway na motorista na mahuhuli sa kanilang lugar, "Kaya sa mga open muffler diyan, sige pahuli pa kayo para mas marami pang magawa. Ang kukulit niyo eh. Cool yarn?".
"Ayun oh! Project ng ating PSO headed by Kons Kuya Bryan Villamarin Cruz. Hindi pa tapos yan, mas pagagandahin pa at lalagyan ng ilaw. Kaya sa mga open muffler diyan, sige pahuli pa kayo para mas marami pang magawa. Ang kukulit niyo eh. Cool yarn? " - Mismong Facebook post ni Mayor Jeri Mae Calderon.

Ipinagbabawal ang mga naka openpipe muffler na motor sa Angono ay dahil sa idinudulot nitong malakas na ingay.
No comments