Mag Asawa sabay na Nakapag-Tapos ng Elementarya


Mag asawa sabay na nakapag tapos ng Elementarya | Congatulations Graduates !! Sabay na nakapagtapos ang mag asawang ito sa Elementarya, na sina Edgardo Dela Torre at Rochelle Dela Torre sa lungsod ng Dalaguete, Cebu City, sa tulong ng programa na Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd).

Buong proud na tinanggap nina Edgardo at Rochelle ang kanilang mga diploma sa face to face graduation rites kasama ang kanilang mga anak noon ngang Martes, Setyembre 6, 2022.


Napagdesisyunan ng mag asawang Dela Torre na pumasok sa programa ng DepEd noong 2020-2021, upang masimulang matupad ang kanilang mga pangarap, habang nag aaral ay nagtatrabaho si Edgardo, 41 taong gulang, bilang barangay tanod at hollowblock maker, at si Rochelle 39 taong gulang, ay buong pusong nag aalaga ng kanilang mga anak.

Marami ang naantig ang puso at napahanga sa dedikasyon ng mag asawang ito sa kanilang pag aaral, lalong lalo na ang kumuha ng kanilang litrato.

“Silang dalawa ay may mataas na pananaw na makapagtapos ng pag -aaral upang mabigyan nila ng magandang buhay ang kanilang mga anak gaano man kahirap ang maaari nilang madaraanan..Silang dalawa ay..patunay na hindi sagabal ang pagkakaroon ng anak..at kahit may edad na..upang abutin ang mga pangarap sa buhay..binigyan nila ng malaking halaga ang edukasyon,” -A.Cayme Photography.

Ang Edukasyon ay walang pinipiling antas at edad, ito ay para sa lahat. Maging matalino tayo sa buhay, magtiyaga at magsumikap para maabot natin ang ating mga minimithing pangarap.

No comments