Karla Estrada Balik Eskwela | "Where's the canteen?"



Masayang ibinahagi ng Aktres at Queen Mother na si Karla Estrada sa kanyang mga social media accounts ang kanyang pagbabalik eskwela, na may hashtag na "#educationhasnoborders at #restartourdream."

Sa edad na 47 years old ay nais ulit mag aral ng aktres. Naka enroll ito sa Philippine Christian University sa Malate, Manila, ngunit hindi niya binanggit kung anong kuro ang kanyang kinuha.



Nakaka aliw rin ang mga post ni Karla Estrada sa kaniyang Instagram, na nasa loob siya ng kanilang campus at hinahanap niya kung nasaan ang canteen. Narito ang kaniyang mga litrato na may mga caption na


"And the Journey begins. Where’s the canteeeeen????"

“And the Journey begins. see you around the campus schoolmates! wag nyo ako kulitin ha!“ - Momshie Karla.

Pinatunayan ng aktres at TV host na wala sa edad ang pagkakaroon ng pagkakataong mag-aral.



Si Karla Estrada ay mayroon ng 4 na anak kabilang dito ang sikat na artista sa tambalang ''Kathniel'', na si Daniel Padilla.


Ang edukasyon ay para sa lahat, mapabata man o matanda, walang pinipiling edad, hangga't may pagkakataon ay mag aral tayo at matuto pa sa mga ibang bagay.

No comments