Kaanak ni Jovelyn, Di kumbinsido sa Resulta ng DNA Examination ng PNP
Agosto 5 noong nawala si Jovelyn Galleno na isang 22- anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan.
Ayon umano sa kapatid ng nawawala ay nag-out umano ang kanyang kapatid na si Jovelyn ng bandang 6:30p.m. ng araw na iyon sa trabaho nito ngunit di na umano ito nakauwi sa kanila.
Nakita umano ang sinasabing mga buto ni Jovelyn ngunit hindi naniniwala ang mga kaanak nito na sa 3 linggong nakalipas ay naging buto na agad ito. Kahit naroon na umano ang sinasabing mga gamit ni Jovelyn nung araw na ito ay nawala.
Ayon naman sa ginawang DNA Examination ng Philippine National Police (PNP), nagpositibo na ang mga nakita buto ay si Jovelyn.
Hindi naman umano kumbinsido ang mga kaanak ni Jovelyn dahil sa sandaling panahon pa lamang ay ganon na agad ang naging kalagayan ni Jovelyn na naging kalansay na umano sa 3 linggo nitong pagkawala.
No comments