Jovelyn Galleno Case Update | DNA Test na Isinagawa ng NBI sa Buto, May Resulta na!!


Isa sa malaking isyu ngayon sa ating bansa ang pagkawala ni Jovelyn Galleno, at hindi lingid sa ating kaalaman ang pagkawala at kalagim lagim na sinapit ng dalaga, sa kamay pa mismo ng sarili niyang kamag anak.

Nakapagsagawa na noon ang PNP ng DNA Test sa nasabing bangkay daw ni Jovelyn Galleno, at ito ay positibo nilang kinumpirma, ngunit maraming mga netizen ang hindi naniniwala na ito nga ang dalaga, dahil ilang linggo palang itong nawawala ay buto buto na ng ito ay natagpuan.


Kaya naman ay agad humingi ng tulong ang pamilya Galleno at mga netizen kay Sir Raffy Tulfo na agad naman inaksyonan ng Team ng (RTIA) Raffy Tulfo in Action. Humingi sila ng tulong sa NBI na maimbistigahang mabuti ang kaso pati na rin ang pag di DNA Testing sa mga butong natagpuan.


Ngayon ay mayroon ng resulta ang DNA Testing na isinagawa ng NBI sa mga butong natagpuan sa Palawan, sa programang Raffy Tulfo In Action (RTIA), ay nag update na si Sen. Raffy Tulfo tungkol sa kaso. Malungkot niyang ibinalita, na ang partial result ng DNA Test ay "POSITIVE". Ngunit marami pa rin ang hindi makapaniwala sa naging resulta ng DNA Test.



Sumailalim naman ang dalawang inaakusahang suspek sa Polygraph Testing at lalabas ang resulta sa mga susunod pang araw. Inanyayahan din ni Sen. Raffy Tulfo sina P/Maj. Noel Manalo at Richard Ligad, ngunit tumanggi ang mga ito at hindi na nagbigay ng iba pang komento.

Para sa atin ay mahirap ng tanggapin ang sinapit ng dalaga, paano pa kaya sa kanyang magulang, mga kamag anak at mga kaibigan.

Sabay sabay pa nating abangan ang mga katotohanan sa kasong ito ni Jovelyn.

No comments