Happy 65th Birthday President Bong Bong Marcos



Happy 65th Birthday President Bong Bong Marcos Ipininagdiriwang ngayon September 13, 2022, ang ika-65 na kaarawan ng ika labing pitong (17th) Pangulo ng Pilipinas Ferdinand "BongBong" Romualdez Marcos Jr., mas kilala ngayong BBM, PBBM o Bongget. 

Siya ang ikalawa at nag iisang lalaking anak nina dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Marcos, ipinanganak siya noong September 13, 1957 sa Sta. Mesa, Manila. Siya din ay naging Senador simula 2010 hanggang 2016. 


Ngayon ay happily married din si PBBM kay Atty. Louise ''Liza" Cacho Araneta at may tatlo (3) anak na sina Ferdinand Alexander III "Sandro", Joseph Simon at William Vincent "Vinny". Si Pangulong Ferdinand Marcos ay mahilig sa rock and roll, rhythm and blues, at jazz music.

 Siya ay may hawak noong record collection sa Palasyo ng MalacaƱang na inilarawan niya bilang "the best record collection in the Philippines". 


Siya rin ay fan ng Beatles, binanggit niya ang Sgt. Pepper,'s Lonely Hearts Club Band ang kanyang paboritong album, at madalas nangongolekta ng mga memorabilia ng banda. Marunong ding tumugtog ng saxophone si Pangulong Marcos.

No comments