Estudyanteng Nagbebenta ng Taho bago Pumasok, Hinangaan!


Estudyante Nagtitinda Muna Ng Taho Bago Pumasok Sa School. Hinangaan ang kasipagan at dedikasyon ng Senior Highschool Student na ito, dahil sa kanyang diskarte sa buhay. Nagtitinda siya ng taho habang siya ay nag aaral.

Sa inupload na video ni Japh Tarog, makikita ang estudyante na bitbit niya sa kanyang balikat ang itinitinda nitong taho, habang suot na nito ang kanyang uniform na pamasok, lubos na napahanga si Japh at sinabing ito dapat ang tinutularan ng mga kabataan.


Siya si Gurprit Paris D. Singh, o mas kilalang "Gopi" sa kanilang lugar sa Brgy. Mulawin, Tanza, Cavite. Isinilang siya noong December 10, 2005, sa Cebu City. Isang Indian National ang kanyang ama at Pinay naman ang kanyang Ina.

Kasalukuyan siyang Grade 11 Student sa Tanza National Comprehensive - Senior High School at kumukuha ng kursong STEM.

Madaling araw pa lamang ay gising na ang mag ina, dahil ihahanda pa nila ang kanilang ipapanindang taho. Ang kanyang ina ang mismong gumagawa ng arnibal at sago na siyang mga panahog sa kanilang masarap na taho.


Inilalako niya ang mga ito bago pumasok sa eskwelahan, hindi niya alintana ang init ng panahon at kilometrong paglalakad makatulong man lang sa kanyang pamilya.

Inihahabilin lamang niya ang kanyang paninda sa gwardiya ng eskwelahan upang siya ay makapag focus sa kanyang pag aaral, at kukunin na lamang ito sa kanyang pag uwi.

Umaabot daw ng P400 hanggang P600 pesos ang kinikita ni Gopi sa kanyang pagtitinda ng taho. Hindi rin niya ikinakahiya ang kanyang trabaho at lubos niya itong ipinagmamalaki.


"There is nothing to be ashamed of sa ginagawa ko. I am doing a honest job without harming anybody else. My parents, teacher, and classmates are very supportive".

"Life is like a math as there is always a solution to every problem. I only wish na sana yung mga taong going through hardships or problems in life will be able to find their solutions to solve their problems, and be happy including me"
, ani ni Gopi

Pangarap ni Gopi ang maging isang Civil Engineer kaya lalo pa siyang nagsusumikap makamit ito.

No comments