Donita Rose Ikinasal na sa Musikerong si Felson Palad



Ikinasal na ang artista Donita Rose, sa kanyang non-showbiz fiancee at musikerong si Felson Palad, na ginanap sa isang private garden, San Clemente, California, 4 na buwan ang nakalipas matapos silang ma engaged.

Nitong May 30, 2022, ay nag propose itong si Felson Palad kay Donita Rose, pinaalam niya ito sa kanyang mga social media accoounts at bumuhos ang mga pag bati mula sa kanyang mga kaibigan at kapwa artista.



Hanggang nitong September 24, 2022, ay nagpakasal na nga ang dalawa. Ibinahagi ni Donita sa kanyang Instagram ang mga litrato ng kanilang kasal, na kinuhanan ng Nice Print Photography.

"Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever."- post ni Donita sa kanyang Instagram




Si Donita Rose ay dating artista at ngayon ay isa ng Chef sa California. Si Felson ang kauna-unahan niyang public relationship mula nang maghiwalay sila ng dati niyang asawa na si Eric Villarama noong taong 2016.

Inamin ni Donita na sa una ay hindi siya komportable kay Felson dahil 10 taon ang agwat ng kanilang edad, Si Donia ngayon ay 47 years old, ngunit di nagtagal gumaan at napahanga siya sa sinseridad ni Felson at napaibig na rin siya nito.

No comments