Belle Mariano Kauna Unahang Filipina na Tumanggap ng "Outstanding Asian Star Award" sa South Korea !



Tumanggap ng parangal ang sikat na aktres na si Belle Mariano nito lang Huwebes, iginawad sa kanya ang "Outstanding Asian Award" ng 2022 Soul International Drama Awards sa South Korea.

175 ang nag gagandahan at nag gagwapuhan artista nominado sa event, at kapwa magagaling at mga beteranong mga aktor at aktres ang natalo ni Belle.


Isa si Belle sa napiling parangalan mula sa Pilipinas, kasama nito ang mga beteranong mga artista na mula sa China, Japan, Taiwan at Thailand. Kasama naman sa nominado ay ang mga kasamahan niya sa Star Magic na sina Donny Pangilinan, Dimples Romana, Charlie Dizon, Maris Racal, Kaila Estrada, Jake Cuenca at Zanjoe Marudo.



Suot din ni Belle ang napakagandang gown na gawa ni Francis Libiran, very stunning at looking fresh na rumampa si Belle sa red carpet ng event.

Nakatanggap din ng Asian Star Prize ng SIDA (Seoul International Drama Awards) sina Alden Richards nitong 2019 at Dingdong Dantes nito namang 2020, kapwa mga magagaling na aktor.


Lalong namayagpag si Belle Mariano sa kanilang nakakakilig na tambalan ni Donny Pangilinan sa “He’s Into Her” and “Love Is Color Blind”.


Sobrang proud naman ang kanyang ka loveteam na si Donny Pangilinan sa na achieve ng dalaga.
We are so proud of you Belle ! Congratulations !

No comments