Aktor na si Dindo Arroyo inaresto sa salang "CYBERCR!ME" !
Inaresto ng mga pulis ng BiƱan sa salang "Cybercr!me" ang beteranong aktor na si Conrado Manuel Ambrosio II o mas kilala sa industriya bilang si "Dindo Arroyo", 61 taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. BiƱan, BiƱan City, Laguna.
Kilala si Dindo Arroyo sa kanyang pagiging isang kontrabida sa pelikula, lalo na sa katatapos lang na teleserye sa ABS CBN na " FPJ Ang Probinsyano".
Sa inilabas na Warrant of Arrest ng BiƱan City Police Station ay inaresto ang aktor sa kasong RA 10175 o “Cybercr!me Prevention Act of 2012” (2) counts na may inererekomendang piyansa na Php 10,000 ang bawat isang kaso.
Ito ay inilabas noong September 15, 2022 ni Hon. Rosauro Angelito Sicat David, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 101, Santa Rosa City, Laguna. Nadakip si Dindo nito lang September 20, 2022, 6:00 PM.
Kasalukuyan ng nasa BJMP (Bureau of Jail Management and Penology) ng BiƱan City ang aktor.
Ayon naman sa pahayag ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ay sa pagkaka aresto nila sa kilalang aktor pinapakita lamang daw nito na walang pinipili ang ating batas.
“Sa pagkaaresto ng akusado ipinapakita lamang na walang pinipili ang ating batas.”
No comments