Social Pension Para sa Mga Senior Citizen, P1,000 na Kada Buwan; Dating P500



Magandang balita para sa mga mamamayang Pilipino na senior citizens: Magdadagdag na ng P500 ang dating social pension na ipinamimigay sa mga Pilipinong senior citizen. Ang dating P500 ay magiging P1,000 na kada buwan. Narito ang kabuuang post ni DSWD Sec. Erwin Tulfo sa kanyang facebook page na labis na ikinatuwa ng marami:



"TINGNAN:

GANAP NG BATAS ANG DAGDAG P500 PESOS SA SOCIAL PENSION NG MGA MAHIHIRAP NA SENIOR CITIZENS.

KUNG DATI-RATI'Y P500 LANG ANG NATATANGGAP NILA KADA BUWAN, NGAYON AY P1,000 NA MONTHLY.







AAYUSIN NA NG DSWD ANG IMPLEMENTING RULES AND REGULATION (IRR) AT IHIHINGI NG ADDITIONAL FUNDING SA KONGRESO PARA SA NASABING UMENTO.

MARAMING SALAMAT PO SA MGA MAMBABATAS NATIN SA INCREASE NA PENSION NG MGA MAHIHIRAP NA SENIOR CITIZEN.

SALAMAT DIN SA PANGULONG MARCOS AT NAGING GANAP NA BATAS ITO."

No comments