Kambal, Parehong Nagtapos Bilang Summa Cum Laude



Matapos ang tatlong taon lamang sa kolehiyo—sa halip na karaniwang apat na taon—sabay na nagtapos bilang Summa Cum Laude sa kursong BS Mathematics ang kambal na sina Margaret Esther "Marge" Cruz at Madelyn Esther "Mads" Cruz nitong July 31 sa University of the Philippines Diliman. Naantig ang ilang netizens sa kuwento ng kambal, na ibinahagi ng Kumon Valenzuela Center.




"They started their Kumon journey in 2004 at the age of three. Still in diapers then, Mads and Marge would go to the center and learn basic counting, reading and writing," sinulat ng Center sa kanilang Facebook page.

Anila, hindi rin naman puro aral ang kambal—gumawa rin sila ng sining at sumubok ng mga gusto nilang adhikain.





"They were able to study high school and college materials while in elementary. By Kinder, they were studying long division. By Grade 2, they were already doing Algebra and by grade 4, they were studying Trigonometry. Then by grade 6, they were able to learn Integral and Differential Calculus," patuloy ng Center.

No comments