Ina ni Herlene Budol, Inaming Nadismaya sa Naging Resulta ng Bb. Pilipinas 2022



Deretsahang inamin ng ina ni Herlene Nicole "Hipon Girl" Budol na nadismaya siya sa naging resulta ng Binibining Pilipinas 2022. Ayon sa ina ni Herlene na si Len Timbol, inaasahan umano nilang mas mataas ang makukuhang award Herlene. Ibinigay umano ni Herlene ang kanyang 'best' sa pageant na ito. Bongga din umano ang naging performance nito sa stage at maging sa Q and A portion ay panalo rin.



"Para po sa akin ang anak ko ang winner pero okay naman po at panalo rin," pahayag ni Len sa panayam sa kanya ni Joee Guilas ng The Thrillmaker.

Tinanong din si Len ni Joee kung ano sa palagay niya ang naging pagkukulang ni Herlene sa nasabing pageant at ito ang kanyang kasagutan, "Sa palagay ko po wala kasi binigay pong lahat ni Hipon. Ginawa po niyang lahat. Perfect! Hindi naman alam kung bakit ganun ang naging resulta. Anyway, masaya naman po kami para sa kanya. Hindi kami umuwing luhaan."





Nabanggit din ni Len na inaasahan nilang magiging best in swimsuit si Herlene ngunit medyo nadismaya sila nang ibang pangalan ang banggitin.

"Para sa akin, 'yung pinakabonggang performance is yung sa swimsuit po. Talagang napakagaling po niyang rumampa, 'yung walk niya sobrang ganda. Medyo disappointed inaasahan naming siya ang best in swimsuit pero iba po 'yung in-announce. Pero it's ok lang po, laban 'yan e."



Gayunpaman, masaya si Len sa dahil sa mga awards na nakuha ng kanyang anak. Bilang isang ina ay buo ang kanyang pagsuporta kay Herlene.

No comments