Herlene Nicole Budol, Grateful sa mga Natanggap na Awards sa Binibining Pilipinas 2022!



Inspirasyon ang hatid ni Herlene Nicole Budol sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas 2022. Marami ang humanga sa performance ni Herlene mula sa pagrampa hanggang sa Q and A portion. Sa ibinigay na katanungan sa kanya: "A beauty is a space for transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown?"



At ito ang kanyang naging kasagutan: "Maraming Salamat po. Para sa akin, isang karangalan na makatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan. Para sa akin, ang sarap pa lang mangarap, ang sarap mangarap. Walang imposible.

"Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon, because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission."





Ibinahagi naman ni Herlene ang kanyang mga awards na natanggap at nagbigay rin siya ng payo sa mga taong gustong sumubok sa buhay ngunit may pangamba at takot.



"KUNG KAYA KO KAYA MO DIN

"wag kang matakot na ipakita kung Ano ang meron ka.

"Binibining Hindi inaasahan because I know for my self that i am uniquely beautiful with a mission

Binibining Pilipinas 1st runner up
Binibining Pizza Hut
Binibining SHEIN
Binibining Silka
Binibining Jag Jeans Denim Queen
Binibining World Balance
Binibining MANILA BULLETIN
Binibining Ever Bilena Black Water
Binibining kumu"

No comments