Brod Pete, Nagretiro na sa Showbiz: "Laos na po ako"



Bibihira lamang sa mga nasa showbiz career ang naglalakas ng loob para sabihin ang dahilan ng kanilang pag-alis sa industriya. Isa si Herman “Isko” Salvador o mas kilala bilang Brod Pete na umaming lilisanin na niya ang karera sa showbiz. Ayon kay Brod Pete, sa tagal na niya sa industriya ay marami na ang mga bago at lumipas na ang kanyang panahon, samakatuwid, laos na umano siya.




"Yes laos na po ako after 43 yrs sa shobiz as a writer and comedian. Im now retired. Nakakasawa din."

Bagamat huminto na sa showbiz ay ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang hilig, ang music. "But i am launching my singing career fyi - to pursue my true love — music!"

Inamin din niyang hindi siya naging matagumpay sa pagpasok sa polika, "Ive tried politics, mas nakakatawa kesa sa komedi ang politika. Di ako pinalad para konsehal- siguro dahil sinabe ko na - para mawala ang baha ipapasemento ko ang marikina river- u dont know soundbytes- anyways - marikina deserves less."




"Btw- i am conducting an online comedy writing workshop/playshop! Sept 3 7pm- via zoom. 1k petot lang- 43 yrs of comedy writing in 3 plus hrs."

May mga hindi naniniwala sa sinabi ni Brod Pete lalo na at alam ng marami na siya ay komedyante at mahilig magbiro. Independent candidate si Brod Pete nang tumakbo ito bilang konsehal ng unang distrito ng Marikina City sa eleksyon noong May 9, 2022 pero hindi siya pinalad manalo.

No comments