Andrew Schimmer, Emosyonal na Ibinahagi ang Kalagayan Ngayon ng Kanyang Asawa



"Love" ito ang nagpapalakas kay Andrew Schimmer sa pagharap niya sa mga pagsubok na dumadating sa kanyang pamilya. Ilang buwan na simula ng ma-ospital ang kanyang misis Jorhomy "Jho" Rovero. Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke's Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City si Jho at patuloy na nagpapagaling.


Ipinagpapasalamat ni Andrew sa Diyos ang mga taong ginamit niya upang matulungan siya lalo na sa pinansyal. Araw-araw ay ipinagpapasalat ni Andrew na nakakaraos silang mag-aama at nairaraos din niya ang gamot ng kanyang asawa.

Umabot na sa ilang milyon ang bill ni Andrew kaya naman ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ito. Bukod sa pinansyal ay kung minsan nakakaramdam din si Andrew ng lungkot lalo na sa tuwing nakikita niya ang kalagayan ng asawa.



Ngunit kinakailangan niyang magpalakas at tatagan ang loob para sa kanyang pamilya. Ayon kay Andrew, pagmamahal para sa kanyang asawa ang dahilan kung bakit siya lumalaban.

Handa umano siyang isakrisyo ang lahat para sa kanyang asawa. Para sa dalawa niyang anak, pinapatatag din ni Andrew ang kalooban ng mga ito at pilit na ipinapaintindi ang kalagayan ng kanilang ina kahit na aminado siyang mahirap.



Nagpapasalamat si Andrew para sa mga taong patuloy na tumutulong sa kanya. Para naman umano sa mga nagsasabing tumigil na si Andrew, hindi umano siya hihinto lalo na at ayaw niyang mawalan ng ina ang kanyang mga anak na naranasan niya noong siya ay bata pa lamang. Mahirap umano ang mawalan ng mga ina at ayaw niyang iparanas ito sa kanyang mga anak.

No comments