Andrew Schimmer at Misis Nito, Bumuhos ang Tulong na Natanggap



Mabilis na nagviral ang naging panayam ni Ogie Diaz sa aktor na si Andrew Schimmer. Umabot sa 2 millions views sa Youtube ang naturang video na ibinahagi ni Ogie. Sa panayam, ikinuwento ni Andrew ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang pamilya. Nasa ospital ngayon ang asawa niyang si Jho at patuloy na nagpapagaling.



Marami ang naantig sa buhay ngayon ni Andrew at kung paano siya nagiging matatag sa lahat ng kanyang pinagdadaanan. May dalawang anak sila ni Jho at pilit na pinapaunawa ni Andrew sa kanyang mga anak ang kalagayan ni Jho.

Dahil dito, marami ang gustong tumulong kay Andrew lalo na at malaki ang bayarin niya sa ospital dahil ilang buwan na ring nakaratay ang kanyang asawa.



"Sa amin nagti-text 'yung iba, nagpi-PM at nagdi-DM na 'pano po namin maibibigay 'yung Gcash kasi nag-exceed na for the month of August," ani ni Ogie.

No comments