Youtuber Viy Cortez, Ibinahagi Ang Larawan Niya Matapos Manganak sa Kanyang First Baby



Viral sa social media ang larawan na ibinahagi ng Youtuber/Vlogger na si Viy Cortez. Umani ng iba't ibang reaksyon ang selfie ni Viy matapos niyang manganak. Sa kanyang caption, sinabi niya na babawi siya sa kanyang sarili ngunit uunahin muna niya ang kanyang anak ngayon. Nanganak si Viy sa first baby nila ni Cong TV. Pinangalanan nila itong Emmanuel Zeus "Kidlat" Cortez-Velasquez.




"Itsura ng nagpapadede, may tahi, nangangapa pa pano ba dapat ang tamang gawin. Okay lang yan bawi nalang sa mga susunod na buwan mahalaga healthy si baby alam ko naman mahal ako ni cong at ni kidlat kahit ang panget ko ngayon hahahah," ani ni Viy sa kanyang caption.

"Babawi ako sa sarili ko next time ngayon para sa anak ko muna lahat,"dagdag pa nito.

Sa post ni Viy ay nagkomento naman ang kanyang partner at ama ni Kidlat na si Cong, "maganda ka love! mahal na mahal ko kayo!"





"It's okay, Viy. We all go through that as moms. Kudos for being a hands-on mom to Kidlat!" komento naman ng isang netizen.

"Wala pong panget sa nanay na ibinibigay ang lahat sa kanyang mag-ama. Worth it ang sakripisyo, pagod, at puyat nating mga ina," sabi pa ng isa.

No comments