Watch! Ina na Busy sa Paglilinis ng Banyo, Viral Dahil sa Ginawa ng Kanyang Anak



Mabilis na kumalat sa social media ang video ng isang ina matapos siyang gawing content ng kanyang anak. Mapapanood sa video na abala sa paglilinis ang ina nang videohan siya ng kanyang anak. Hindi umano alam ni Hazel kung ikatutuwa ba niya o ikakagalit niya ang ginawa ng kanyanga anak.

"Magagalit ba talaga ako o matatawa? Santisima Por Diyos Por Santo! Chloeeeeeeeeeeeee," ani ni Hazel sa kanyang post.




Hindi umano aware si Hazel sa ginawa ng kanyang anak sa kanya. "Di ako na inform ng anak ko na ipapahiya niya ako, sana nakapaggown ako habang naglilinis ng CR"

Mapapanood sa video ang pagtawag sa kanya ng anak niyang si Chloe habang hawak ang cellphone na 'tila nagvvlog. "Ganito 'yung ginagawa ng mama ko. Tatawagin ko lang, siya galit na siya. So eto siya tawagin natin," ani naman ni Chloe habang naglalakad at nagvi-video papunta sa kanyang ina na busy maglinis ng kanilang banyo.





At tinawag na nga ng nakakaaliw na bata ang kanyang ina. "Mama," buong loob na tawag ni Chloe sa kanyang ina na biglang sumagot ng ganito: "Ano ba! Dun ka nga."

"Na i-content pa nga ng anak na feeling vlogger! 'Di pa nga buo yung galit ko eh, meron pa talga yang "MAY GINAGAWA AKO PUNYETA KA BABATUHIN KITA NG BRUSH, MAMA KA NG MAMA AH!" naudlot lang bigla kong nakita nag vivideo nanaman eh!

Ps: Sorry ho sa awrahan ko sa loob ng banyo, 'di ako na-inform ng anak ko na ipapahiya niya ako, sana nakapaggown ako habang naglilinis ng CR. May point naman siya dun sa tatawagin lang G na G agad.

Relate much ba mga nanay na bungangera jarn pag gumagawa ng Gawaing bahay?"

No comments