Veteran Stand-up Comedian, Actor and Director Philip Lazaro Has Passed Away



Sumakabilang-buhay na ang beteranong komedyante, aktor at direktor na si Philip Lazaro. Ito ay matapos kumpirmahin ng GMA Entertainment, "Filipino actor and director Phillip Lazaro has diƫd."

Bumuhos naman ang mensahe ng kanyang mga naging katrabaho para kay Philip. Ani ni Jay Custodio, Production designer at matalik na kaibigan ni Lazaro, "It's a sad day today, one of the most finest and kind director that I've worked with just passed away."




"He is also one of the sweetest and supportive director! Praying for the repose of your sould Direk Philip Lazaro! You will be missed!"

"Thanks for all the laughs and chikahan! Love you Direk!!!"

Hindi pa naglalabas ng statement ang mga naulilang pamilya at kaanak ni Philip.




Si Phillip Lazaro ay isang aktor at komedyante na sumikat matapos niyang gumanap sa iba't ibang papel sa mga pelikula at teleserye. Kilala rin si Phillip bilang isa sa mga pioneer ng stand-up comedy sa bansa. Dati siyang nagpe-perform sa ngayon ay saradong Klownz at Zirkoh kung saan maraming performers ang nagpatuloy upang magtagumpay sa Philippine entertainment industry.

No comments