Solenn, Rita at Melissa; Mga Blooming Preggy sa GMA Gala Night



Ipinagmamalaki ng magagandang Kapuso actress na sina Solenn Heussaff at Rita Daniela ang kanilang baby bump habang si Melissa Gohing ay ine-escort ng kanyang asawang si Rocco Nacino sa GMA Gala Night noong Sabado.

Isinapubliko nina Solenn Heusaff-Bolzico at Nico Bolzico ang magandang balita na sila ay magkakaroon na ng Baby No. 2 noong Hulyo 4, 2022. Ikinasal sina Solenn at Nico noong May 21, 2016 sa France. Mayroon na silang dalawang taong gulang na anak na babae na nagngangalang Thylane Katana.




"I'm so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim 'to. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life," pag-aanunsyo naman ni Rita Daniela sa kanyang unang pagbubuntis.

"My child, You came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.



"Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord. I can't wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita," mensahe pa nito sa kanyang baby.



"Because God is kind to those who wait and pray. Excited to meet you soon, Baby Nacino," pag-aanunsyo naman ni Rocco sa pagkakaroon nila ng first baby ni Melissa Gohing Nacino.

No comments