Security Guard Noon, Nagtapos Bilang Cum Laude; Isang Ganap ng Guro na Ngayon!



Marami ang humanga sa isang security guard noon, nangarap at isa na ngayong guro. Si si Erwin Macua, dating Security Guard sa St. Theresa's College sa Cebu City. Pangarap ni Erwin na makapagtapos ng pag-aaral at tinupad niya iyon. Ipinagsabay ni Erwin ang pagtatrabaho bilang isang security guard at pag-aaral sa kolehiyo.




Humanga din ang kanyang mga guro dahil nakitaan siya ng determinasyon na makapagtapos sa pag-aaral. Hindi naman nabigo si Erwin at nakapagtapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo bilang Cum Laude sa kursong Education.





Nobyembre 2017 nang makapasa si Erwin sa Board Examination for Teachers. Ngayon ay isa ng ganap na guro si Erwin at nagtuturo ng Araling Panlipunan at Work Education sa isang Elementary School.

No comments