Pokwang, Pinuna ng Mga Netizens Dahil sa Wrong Spelling ng "Iodine"



"nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana" -Ito ang mensahe ni Pokwang kay Ella Cruz sa kanyang tweet nitong Hulyo 4, 2022.




Hindi naman napigilan ng mga netizens na magkomento at itama ang spelling ni Pokwang sa kanyang tweet. Kulang kasi ng "E" ang word na "iodin" sa kanyang tweet.

"Iodine ata not iodin. Lols. Mangangaral ka lang siguraduhin mong tama spelling mo. Matalino ka na nyarn?" saad ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, "yun nga kalakas magturo kung ano nakakatalino pero wrong spelling IODINE niya mukha siya may kailangan."

Binweltahan naman ni Pokwang ang mga nagkomento sa kanyang spelling, "O yung naghahanap ng letter E na kulang ko sa iodin ayan na!!! E! di bale ng kulang sa letra kaysa naman kulang sa kaalaman at respeto sa kasaysayan!!! Dadamihan ko pa ayan o EEEEEEEEEEEEEEEEEEE ok na?"




May mga netizens din na nagtatanggol kay Pokwang at ibinahagi pa ang screenshot ng kanyang Facebook post kung saan tama ang kanyang spelling sa iodine.

Ni-retweet rin ito ng komedyante sabay banat ng "Hahahahaaa true pinuna maling spelling pero pang bababoy sa kasaysayan hindi????? Ano na???"

Nag-ugat ang pagsita ni Pokwang kay Ella matapos mag-trending ang huli sa kanyang pagkukumpara ng history sa tsismis nang makapanayam siya ukol sa mga natutunan niya sa "Maid in MalacaƱang”"

Samantala, gumanap naman noon si Pokwang bilang ina ni Ella sa Kapamilya teleseryeng "Aryana" noong 2012.

No comments