Panoorin! Skusta Clee, Nagsalita na sa Kinakaharap Niyang Isyu: "Nagkamali ako, sorry"



Ibinunyag kamakailan ni Zeinab Harake ang muling pangloloko sa kanya ni Skusta Clee sa Toni Talks. Dahil dito, naglabasan ang iba't ibang komento ng mga netizens at nagalit sa ginawa ni Skusta lalo na at may anak sila. Sa isang video clip ay mapapanood ang mensahe ni Skusta Clee sa mga taong nadisappoint niya, kay Zeinab at sa kanyang anak.



"Okay, sa mga na-disappoint, sorry, sorry. My bad, sorry, akin. Nagkamali ako, sorry. Pinagsisihan ko naman 'yon, mukha lang talagang hindi kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay."

"Though pinagsisihan ko 'yung mga naging consequence, pangit din naman talaga 'yung naging resulta. Tinanggap ko 'yung mga siyempre naging kapalit. Hindi talaga maganda at hindi ako nagreklamo kasi alam kong ayun naman talaga yung dapat mangyari sakin."





May mga personal na dahilan daw siya at pinagsisihan niya ang lahat ng mga ginawa niya.

"Pero may personal akong dahilan kung bakit ko nagawa 'yun. Kaya bilang respeto na lang din sa nanay ng anak ko, hindi ko na kailangan pang i-explain. Kumbaga respeto na lang din."

"Hindi niya talaga deserve na ganunin at ako pinagsisihan ko naman yun. Pero may personal akong dahilan kung bakit ko ginawa 'yun,"


No comments