Maine Mendoza, Engaged na kay Arjo Atayde!



Engaged na ang TV host na si Maine Mendoza at actor-politician na si Arjo Atayde matapos ang halos apat na taon bilang mag-nobyo. Ito ay inanunsyo nila nitong Biyernes. Inihayag ni Mendoza, 27, ang kanilang engagement sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga selfie kay Atayde sa Instagram, kasama ang kanyang engagement ring na naka-display. "Wait, whaaaat??? We’re engaged?!"ani niya sa caption.




Si Atayde, 31, ay nagbahagi ng katulad na mga snap ng wedding proposal, sa kanilang background ay isang set-up field ng mga puting bulaklak. Ang isang maliwanag na arko na may mga salitang, "Will you marry me," ang nakikita bilang centerpiece.

"My turn, I will marry you cutie," ani ni Atayde sa kanyang proposal nitong Hulyo 28.

Isinapubliko nina Mendoza at Atayde ang kanilang relasyon noong Marso 2019.




Ipinagdiwang nila ang kanilang ikatlong anibersaryo bilang mag-nobyo noong Disyembre 2021.

Sa paglipas ng mga taon, ang dalawa ay naging mas bukas tungkol sa kanilang pag-iibigan, na may mga larawan na nagpapahiwatig na sila ay nakabuo din ng malapit na relasyon, sa mga miyembro ng pamilya ng isa't isa.



Kamakailan, sumama si Atayde sa mga Mendoza noong Mayo sa kasal ng kapatid ni Maine na si Coleen sa asawa nitong si Mike Cruz.

No comments