Kiray, Binigyan ng P63,000 Cash Ang Amang Nagdiwang ng Ika-63 Kaarawan!



Sinurpresa ni Kiray Celis ang kanyang ama na nagdiwang ng ika-63 kaarawan. Ayon kay Kiray, ayos lang na maubos ang kanyang ipon sa kakabigay ng birthday cake para sa kanyang mga magulang.

"Happy happy birthday, Papa! Kung saan ko nakuha kakulitan ko, kadaldalan ko at height ko.. alam niyo na! HAHAHAHAHA! I love you papa! Salamat @cakesiclelane sa mga cakes ni papa," ani ni Kiray sa kanyang post kasama ng larawan nila ng kanyang ama.




Sa ibinahing video clip ni Kiray ay makikita ang talong cake ang inihanda niya kung saan nakatago ang kanyang sorpreso. Isa sa mga ito ay walang laman at ang isa naman ay naglalaman ng gintong alahas. Ang pangatlong cake naman ang naglalaman ng perang umabot sa P63,000 na ibinase ni Kiray sa edad ng ama.





"63K sa 63 years old birthday boy! Maubos man ang ipon ko sa kakapa money cake sainyo every birthday niyo ni mama, okay lang. sobrang thankful at blessed ako taon taon na nadadagdagan lagi ang buhay niyo. Mahal na mahal ko kayo papa at mama!"

No comments