Honor Student sa Palawan, Inabanduna ng Magulang, Gustong Magpaampon Para Makatapos sa Pag-aaral!



VIRAl ngayon ang isang consistent hor student mula Palawan nang manawagan siya sa publiko na ampunin siya. Nais niya kasing makapagtapos sa pag-aaral ngunit mag-isa na lamang siya sa buhay simula ng abandonahin siya ng kanyang mga magulang. Nakikitira lang si Jerico Camparicio sa kanyang kaibigan at nagtitinda online.



"LF (looking for) guys yong gusto lang po mag ampon sakin yong kaya ako pa aralin kase gusto ko makapagtapos sa pag aaral ko. At kung sa loob naman po ng bahay, ako na lang ang maglilinis at magluluto, basta may magpapaaral lang talaga sa akin. Alam ko mahirap na walang pinagtapusan, pero sana naman meron mag-ampon sakin," ani ni Jerico sa kanyang post.

Dito ay binanggit niya nang iwan siya ng kanyang mga magulang at hindi na siya sinuportahan, "Iniwan kasi ako ni papa, nag-uwi siya ng Negros at hindi niya ako sinusuportahan, at si mama naman, nag-asawa ng bago, mas priority niya pa ang asawang bago kesa sa akin. Kung saan ako nagsisikap mag-aral, doon niya naman hindi ako sinusuportahan."




"Ako lang po ang nagsisikap sa pag-aaral dahil gusto ko magtapos sa pag-aaral ko. Nakikitira ako sa kaibigan ko, nagpa-part-time po sa trabaho, at saka nagbebenta ako online para may kita din, para hindi ko mapabayaan ang pag-aaral ko," kwento ni Jerico.

Anim silang magkakapatid at siya lamang ang nagsumikap na makapag-aral at gustong makatapos.

Ang gusto ko lang naman po makapagtapos ko ang pag-aaral ko, maabot ko yung pangarap ko. Masakit na dina-down kaya nga nagsisikap akong mag-aral para maabot yung pangarap ko, kaso hindi niyo ako sinusuportahan. Kaya gusto ko na lang magpa-ampon sa ibang tao. Sana maintindihan niyo."



Nagbigay rin ng mensahe si Jerico sa mga kabataan, "Ang masasabi ko sa mga katulad ko na mga kabataan, wag po nila sasayangin ang pagpapaaral ng mga magulang nila. Sana magsikap tayo kasi ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sana naman wag kayong susuko dahil ang mga working students nagtitiis dahil gusto makapagtapos sa pag-aaral, at maabot ang kanilang pangarap. Wag kayong susuko."

No comments