Fried Chicken na Binili sa Tabi-Tabi, Nakitaan ng Nakakadiring Uod!



Mabilis na kumalat sa social media ang larawan kung saan makikita ang napakarami at nakakadiring mga uod na nakasiksik sa manok na binili ng isang customer. Ayon kay Ica Corvera Tuazon, kailangan umanong mag-ingat sa mga binibiling manok na prito sa tabi-tabi dahil baka luma na ito at makasama sa kalusugan natin.




"Mag iingat po kayo sa mga manok na prito na binibili nyo sa tabi tabi! Kahit na sabihing patay na yung uod sa mantika eh uod parin yan jusko nakaka suka yung mga ganitong trabaho iniinit ng ilang araw na po ba ito??" ani ni Ica.

"Apat na piraso yung binili. Yung dalawa sinimsim pa nung kapatid ko. buti napansin nung buntis na kakain bago mahuli ang lahat," dagdag pa nito.

Pinaalalahanan din niya ang mga tao na huwag magtipid lalo at higit sa pagkain. "Wag po tayo mag tipid kung kalusugan naman ang kapalit!"




Hindi naman na binigay ni Ica ang impormasyon kung saan niya nabili ang manok na puno ng uod dahil baka mapaano pa ang nagtitinda na isang matandang lalaki at anak nitong babae.



"hindi ko na po sinama sa post kung san nabili dahil ang tindero po ay matandang lalaki at anak na babae baka po mapagtripan, batuhin, sigawan or ipahiya sya don kaya pupunta nalang po ako ng barangay nila or municipal para sila nalang po ang magpaliwanag ke tatay!"

No comments