Bianca Gonzales, Pinuri ang Unang SONA ni PBBM: "That was a good SONA for PBBM"



Nag-viral si Bianca Gonzalez matapos magbahagi ng kanyang reaksyon sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos. Pinuri niya ang SONA ni BBM at inilarawan ito bilang isang mahusay. Higit pa rito, ipinahayag ni Bianca ang kanyang pag-asa na matutupad ni BBM ang kanyang mga pangako dahil ang tagumpay niya ay tagumpay din ng bansa.



Si Bianca ay kilala bilang isa sa mga sumusuporta ni dating Bise Presidente Leni Robredo, na natalo kay PBBM noong nakaraang halalan. Pinuri ng mga netizens si Bianca sa hindi pagpapakita ng pagkiling ni PBBM.

"That was a good SONA for PBBM. Here's hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan," ani ni Bianca sa kanyang tweet.





"I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan."



Noong 2022 Presidential Election, nakilala siya bilang isa sa pinaka-vocal supporters ng noo'y Vice President Leni Robredo, na natalo kay Bongbong Marcos. Gayunpaman, gusto pa rin niyang magtagumpay si Marcos kahit hindi nanalo ang kanyang taya.

No comments