"Ang Probinsyano" Child Star na si Onyok, Ito na siya ngayon: "Ang laki na niya!"



Natatandaan ninyo pa ba ang bibo at napakakulit na child star ng "Ang Probinsyano" na si Onyok? Ito na siya ngayon, malaki na at marami na ang nagbago sa kanya. Si Onyok ay ipinanganak noong Obtober 1, 2010 sa Bacoor, Cavite at noon pa man na hindi pa niya pinapasok sa showbiz ay sumasali na ito sa mga ibat-ibang contest.



Matatandaan din na sumali si Onyok sa "Mini Me" isa sa mga segment ng noontime variety show na I'ts Showtime kung saan ay ginaya nito ang kanya umanong idolo na si Bamboo. Dito na nagumpisa ang pagpasok ni Onyok sa mundo ng showbiz dahil sa unang tingin palang sa kanya ng mga madlang people ay nakitaan na ito ng natural na talento.

Mapapansin kasi na tila sanay na sanay si Onyok na makipag-usap sa mga matatanda at kwela ang bata dahilan ng pagkagusto sa kanya ng mga tao.





Nagsimula ang kanyang pag-aartista noong palarin siya na makapasok sa isang sikat na action drama na "FPJ Ang Probinsiyano" na pinagbibidahan ng beteranong aktor na si Coco Martin o Cardo Dalisay. Maganda ang tinatahak na karera ni Onyok sa mundo ng acting kung kaya naman madami ang nagtaka at nagtatanong kung bakit biglang nawala ang pausbong na karera ni Onyok.

Tila naging palaisipan sa mga tao ang nangyaring ito sa bata dahil lubos na siyang kinilala ng mga tao. Pagbabahagi ng ina ni Onyok, mismo umano ang bata ang nagdesisyon na lisanin na muna ang mundo ng showbiz upang makapag-focus umano ito sa kanyang pagaaral.



Maayos naman ang naging pagpapaalam ng bata sa palabas at todo ang pasasalamat nito kay Coco Martin para sa napaka-laking oportunidad na ibinigay sa kanya. Makalipas ang ilang taon ay muling ginulat ni Onyok ang publiko nang maglabas ito ng kanyang mga larawan na binata na ito at makikita ang laki ng kanyang ipinagbago.

Sa una ay hindi mo talaga makikilala at hindi mo aakalain na siya pala yung dating child star na bibo at cute.Mapapansin din kung dati ay kulot at gulo-gulo ang kanyang buhok ay ngayon ay straight na ang kanyang mga buhok.

No comments