Anak ni Gretchen Barretto na si Dominique, Nagtapos sa Ikalawang Kurso Bilang Magna Cum Laude



Proud mom ang aktres na si Gretchen Barretto sa kanyang anak na si Dominique Cojuangco. Nagtapos si Dominique, 25, sa dalawang international degree. Kamakailan lamang nang magtapos siya ng Associate of Arts in Merchandising sa Fashion Institute of Design and Merchandising o FIDM sa San Francisco, California.



"FIDMGraduation live done. Magna Cum Laude, but fell a little bit short of the Cyril Magnin award," ani ni Dominique sa kanyang instagram post.

Ibinahagi ni Dominique ang kanyang larawan suot ang itim na toga sa instagram. Dahil sa pandëmya ay ginanap online ang kanyang garduation ceremony.

Matatandaan na taong 2017 nang matapos niya ang kursong Fashion Design sa isang sikat na fashion school sa London.




Dahil dito ay labis na ipinagmalaki ni Gretchen ang kanyang anak. Ani ni Gretchen, "Thanks for a lovely breakfast my love, congratulations."




Taong 2017 nang mag-debut si Dominique bilang isang fashion designer. Pinangalanan niyang La Doña ang kauna-unahang inilunsad niyang koleksyon. Binati naman si Dominique ng kanyang pamilya at mga kaibigan at nagbigay ng pagsuporta dito.

No comments