Watch! OFW, Bumili ng Balut sa Pinas; Isa ng Itik Nang Makarating sa Kuwait!



Labis na ikinatuwa ng mga netizens ang video na ibinahagi ng ating kababayan na si Gio Miranda. Si Gio ay isang OFW na nagtatrabaho sa Kuwait. Sa kagustuhan niyang makakain ng balut, sikat na pagkain sa Pilipinas, ay umorder siya ng isang tray ng "fresh balut" sa isang seller dito sa Pinas. Ngunit hindi niya inaasahan ang dumating sa kanya.




Pagbukas niya ng package ay agad na bumungad sa kanya ang ulo ng itik. Ayun pala ay ang balut na idineliver sa kanya ay napisa at naging itik na.

Pinangalanan niyang "Balut" ang cute na itik. Umabot ng 6.7 Million views sa TikTok ang naturang video. Pagbibiro niya, "Gusto ko lang naman ng balut galing Pinas, ngayon alaga nakuha ko."





Mabilis na nagva-viral sa social media ang mga videos dahil karamihan sa atin ay madalas nakatutok sa gadgets. Kung dati ay sa dyardo, radyo, at telebisyon lang tayo nakakasagap ng balita, ngayo ay napakadali na dahil sa mga makabagong teknolohiya.

No comments