Watch! Ama, Dumalo ng Graduation Cermony Dala Ang Standee ng Anak Niyang Pumånaw


Bilang magulang ay isang karangalan ang makasamang magmarcha at umakyat ng stage habang hinahatid ang anak na kunin ang diploma bilang pagtatapos sa kolehiyo. Ito ang pangarap na hindi natupad ng isang ama matapos bawian ng buhay ang anak niya na graduating student. Nag-viral ang video ng isang ama na dumalo ng graduation ceremony. Sa marcha ay bitbit ni Tatay Felipe Sanchez ang standee ng kanyang anak.



Nakapagtapos ng Bachelor of Arts in English si Mark Sanchez ngunit hindi na siya nakaabot sa kanyang graduation day. Pumånaw si Mark dahil sa asthma. Ang standee na bitbit ni Tatay Felipe ay gawa mismo ng kaibigan ni Mark. Nais ng kaibigan ni Mark na umattend si Tatay Felipe sa graduation ni Mark kahit na wala na ito.





Sa kabutihang palad, pinayagan naman ng paaralan na dalhin ni Felipe ang standee ng kanyang anak bilang simbolo ng pangarap at pagmamahal ng mag-ama.




Marami ang napaluha sa nakakalungkot na eksena na ito. Maging ang staff ng paaralan ay makikita na nagpupunas ng luha habang nagmamarcha si Tatay Felipe bitbit ang standee ng kanyang anak.

Narito ang kabuuang video:

No comments