Thea Tolentino, Proud na Naisabay ang Showbiz Career at Pag-aaral sa Kolehiyo!



"Grumaduate ng walang ligo galing taping pero fresh pa rin," ani ni Thea Tolentino sa kanyang graduation photo. Proud na proud ang 25-anyos na aktres dahil napagsabay niya ang showbiz career niya at ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. "Napagsabay ko ang dalawang bagay na importante sa akin. Nahirapan man ako sa schedule, pero worth it."




"Masarap sa pakiramdam dahil achievement siya para sa akin."

Nag-graduate virtually si Thea noong taong 2020 ngunit nagyon lang sila nagkaroon ng graduation photo. Sa ipinost ni The ay pinasalamatan niya ang kanyang pamilya, kaibigan, mga kaeskwela at mga prof na naging daan para malampasan niya ang lahat ng pagsubok niya.

"Ngayon ko lang na-feel na talagang graduate na ako.And yes, minsan talaga from taping na natatapos ng 6 am dati, deretso sa 7:30 am class."




Magtatapos si Thea sa kursong Bachelor of Science in Public Administration Major sa Hunyo 25, 2022 sa Trinity University in Asia.

"Sa totoo lang, gusto kong maka-experience ng trabaho na labas sa acting, pero so far, nahihirapan ako maghanap dahil sa schedule.

"Wala kasing fixed schedule ang taping so nahihirapan ako maghanap ng trabaho na papayag at kaya na pagsabayin ko ang pag-arte at pagtrabaho."

No comments