Security Guard, Tinakbuhan Matapos Banggain at Sagasaan ng SUV; Suspek, Pinaghahanap na!



Binangga, sinagasaån at tinakbuhan ng SUV ang isang security guard na nagmamando ng trapiko sa Mandaluyong City. Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima na kinilalang si Christian Joseph Floralde. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa intersection ng Julio Vargas Avenue St. Fancis Street sa Mandaluyong bandang 4 p.m. nitong Linggo, Hunyo 5.



Makikita sa video na kuha ng dashcam na pinahinto ni Christian ang isang puting SUV ngunit imbis na huminto ay binunggo siya nito. Nang tumumba si Christian, sa halip na bumaba ang driver ng SUV para tulungan, ay sinagåsaan pa ito.

Kuwento ng may-ari ng dashcam video, hinabol umano ng ilang enforcer ang SUV ngunit mabilis itong nakatakbo at hindi na naabutan.





Ayon naman kay Arceli Flores, kinakasama ni Christian, nahihiråpan umanong huminga ang kanyang mister dahil sa pinasalang natamo nito sa bahagi ng kanyang katawan.

Natukoy na ng pulos ang plate number at hinahanap na kung sino ang may-ari ng SUV.



"The Guard was hit by a White Toyota RAV 4 with plate number NCO 3781, which is now under verification to LTO (Land Transportation Office) in order to identify the owner and driver during the incident," ani ng Mandaluyong Police.

No comments