Panabong na Manok, Natalo; Inilagay sa Ataul at Ibinurol Bago Ilibing!



Imbis na gawing tinola o ulam ang isang panabong na manok sa Quezon, Nueva Ecija na natalo sa laban ay inilagay sa ataul at binigyan ng disenteng burol na parang tao. Ayon sa ulat, napag-alaman na si Rowell Tuban, may-ari ng manok, ay binigyan ng pangalan ang kanyang alaga- "Sonny". Nag-viral sa social media ang video ni Rowell nang bigyan niya ng maayos na libing ang alagang manok niya.



Pinaka paboritong manok ni Rowell si Sonny dahil ito umano ang nagbigay ng swerte sa kanilang buhay. Isang araw matapos iburol ni Rowelle ang alaga ay inilibing na rin niya ito sa kanilang bakuran.

"Mahal na mahal namin yung manok na 'yon kasi ilang beses na kaming binigyan ng panalo," ani ni Rowell.

"Nakabili po ako ng sariling motor dahil sa manok na 'yon."





Ayon kay Rowell, apat na beses umano nanĂ¥lo si Sonny sa laban pero hindi siya pinalad sa huli niyang laban at nagtamo ng matinding sugat. Sinubukan pa siyang gamutin ng ilang araw pero pumanaw din ang manok.



Ayon pa kay Rowell, hindi niya inasahan na magba-viral ang post niya tungkol sa pagbibigay niya ng maayos na libing sa kaniyang alaga.

No comments